Time flies so fast

Friday, October 26, 2007

Dealing with Remarks from Friends and Aquaintances

Here are some more remarks that I get during pregnancy and how I normally react. Let me correct that, I normally react by just smiling or saying 'oo nga'. Below are my silent reactions. :)

'In fairness, hindi ka mukhang buntis pag nakatalikod.'

Buti na lang. In fairness, may korte pa rin ako pag nakatalikod. Wag mo lang ako tignan sa harap! hahaha.

'Ma'am, ang laki ng tyan nyo!'

Natural kambal itong dinadala ko! (di naman ako galit, defensive lang)

'Grabe, bilog na bilog tyan mo'

Oo, parang bola ng basketball! (I actually like showing people that I looked like I swallowed a watermelon or a basketball) hehe.

'Ang tulis ng tyan mo'

Akala ko ba bilog? Nalilito na ako ha.

'Ang baba na ng tyan mo oh. Malapit na yan.' (sabay hawak sa tyan take note sa ibaba ng boobs)

Oh no touch, baka iba na mahawakan mo nyan. :) Ay, sabi na nga ba eh!

'Buti di ka tumaba'

Buti naman talaga at ang dami kong tiniis na hindi kainin. Pero pag nanganak ako, sa hospital pa lang, kakainin ko ung mga namiss ko!

'Uy, ung pusod mo nakaumbok na' or 'Wala ka na tlgang pusod'

Oo, nastretch sya ng sobra! At please, wag mo na tignan! Ang swangit!

'Pakita ng tyan mo'

Wag na! Baka matakot ka rin. :)

Will I miss those remarks when I give birth? Nah, maybe not! Ang gusto ko marinig na remark eh: 'Uy, sexy mom!'. Wahahaha. Sana nga!

2 comments:

Marj and Carlos said...

I like the comment "uy parang di ka nanganak". I equate it with sexy mom :D

Nette said...

haha! nakakatuwa naman ang mgaremarks nila